
← Raqi’s Secret Filesvor 3 Tagen · 15 Min.
Sa motel namatay ang asawa ko
Sa motel namatay ang asawa ko
<p>Halos 12 taon naging masaya ang pagsasama ng letter sender at ng asawa, kaya labis ang sakit nang matuklasan niyang may ibang babae pala ang mister niya. Ang mas masakit, sa mismong araw ng pagkamatay nito, natagpuan niya ito sa isang motel kasama ang babaeng matagal na niyang pinaghihinalaan. Naiwan sa kaniya ang maraming tanong, sakit, at panghihinayang dahil hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap at magpaalam nang maayos. Sa kabila ng pagtataksil, mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagmamahal sa lalaking nakasama niya sa loob ng maraming taon. Ito ang secret file ni Kaye.<br></p>